Hindi ‘to lakwatsa! DFA dinepensahan foreign trips ni PBBM

Para sa ikauunlad ng Pilipinas ang mga biyahe sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hindi para mag-lamyerda, ayon sa Department of Foreign Affaird (DFA).

Para sa ikauunlad ng Pilipinas ang mga biyahe sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hindi para mag-lamyerda, ayon sa Department of Foreign Affaird (DFA).

Ito ang sagot ng DFA sa mga kritiko na pinupuna ang madalas na biyahe ni Marcos papunta sa ibang bansa.

“The President’s international engagement is, of course, in support of his development agenda, security, economic that will redound to the benefits of our countrymen. And for Germany and the Czech Republic, the visit will focus, as we have said earlier, in strengthening partnership with like-minded countries in Europe especially the promotion of a rules-based international order,” saad ni DFA Assistant Secretary Elena Algabre.

Kagagaling lamang ng pangulo sa Australia para sa ASEAN-Australia Special Summit. Sa susunod naman na linggo ay bibisita si Marcos sa Germany at Czech Republic.

Dagdag pa ni Algabre, hindi nag-aaksaya ng pondo ng bayan si Marcos.

“Hindi po. These trips are all in support of the President’s development agenda for the well-being of our country and the progress of the Filipinos,” aniya pa.

Buhat ng sumupa si Marcos bilang pangulo noong 2022 hanggang nitong Disyembre 2023 ay 19 na beses na siyang pumunta sa ibang bansa. Nagbunga naman ito ng 46 proyekto mula sa mga foreign investor.