Hindi tayo takot: Pilipinas, magpapatayo ng pasilidad sa Ayungin Shoal sa kabila ng mga banta ng China–senador

Kahit pa patuloy na inaangkin ng China ang Ayungin Shoal ay tila desidido na ang pamahalaan na magpatayo dito ng sarili nitong pasilidad, lalo pa't may pondo pa dito sa national budget ng 2024.

Plano ng pamahalaan na magtayo ng pasilidad sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea kahit pa patuloy na inaangkin ito ng China.

Sa katunayan, mismong si Senador Sonny Angara na ang nagkumpirma na mayroong nakaalaang pondo sa 2024 national budget para sa pagpapatayo ng modernong pasilidad sa nasabing teritoryo.

BASAHIN RIN: Gaslight pa more! “Pilipinas ang nanggugulo sa usapin ng West Philippine Sea”–China

Bukas naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing plano, lalo pa’t ang kaisa-isang military outpost ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay ang nakasadsad ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal mismo.

Gayunpaman, kelangan pagplanuhan ito ng maigi ayon kay AFP spokesperson Medel Aguilar.

“Siguro po pagpaplanuhan pa ‘yan kasi it should be an inter-agency program. Ang name-mention po na structure is a shelter para sa mga fisherfolks, and therefore, it will involve different government agencies,” ani Aguilar. “Kami sa AFP, we will be ready to undertake or perform our task that will be given in the implementation of the project.”

Matatandaang makailang beses na ring sumubok ang China na pigilan ang mga resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre.