Hindi talaga magtatanda! Unang apat na biktima ng paputok, naitala ng DOH

Taun-taong nagpapaalala ang pamahalaan na mag-ingat ang publiko sa paggamit ng paputok. Gayunpaman, taun-taon ring marami ang nasasaktan dahil dito. Natuto na kaya ang mga Pilipino ngayong taon?

Naitala na ng Department of Health (DOH) ang unang apat na fireworks-related injuries (FWRIs) mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ayon sa ahensya, ang mga biktima ay mga batang lalaki edad 6 hanggang 13, at ang gamit na paputok ay ang boga, five-star, at piccolo.

Pawang ipinagbabawal ng Philippine National Police ang mga nasabing paputok.

BASAHIN RIN: ‘Wag nang subukan at baka madisgrasya pa! PNP, nagbabala laban sa delikadong paputok para sa Bagong Taon

Kaugnay niyan, pinag-iingat ng DOH ang lahat sa paggamit ng paputok, kung gagamit man. Hinikayat rin nito ang kapulisan, mga lokan na pamahalaan, mga ahensiya ng pamahaalan, at mga magulang na magtulong-tulong ipang maiwasan ang mga FWRI o mga mas malubhang sakuna.

“Law enforcement and traders play a pivotal role in curbing these incidents by cracking down on illegal fireworks. Local governments and barangay leaders can contribute by organizing controlled fireworks displays, ensuring a joyful yet safe celebration for all,” sabi ng DOH sa isang pahayag.

BASAHIN RIN: Matamlay na pasok ng 2024 para sa mga pagawaan? Total ban vs paputok, itinutulak ng DILG sa mga LGU

“Parents, too, are crucial guardians in this mission. Supervise your children and set the right example for a Merry and safe Christmas,” dagdag nito.

Nakamatyag ang DOH sa mga FWRI mula Disyembre 21 hanggang Enero 5, 2024.