Hindi siguro sumunod agad kay kumander! Lalaking may sikretong armory sa San Juan, sinuplong ng maybahay sa pulis

Na-recover ng mga awtoridad sa operasyon ang higit 1,000 na iba’t ibang uri ng armas gaya ng handgun at rifle, mga bala, at mga pasabog tulad ng granada.

Nauwi sa kalaboso at mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang 38-anyos na lalaki sa San Juan City matapos mahulihan ng iba’t ibang malalakas na armas at mga pasabog.

Naaresto ang lalaki sa ikinasang operasyon ng San Juan City Police nitong Biyernes, Enero 5.

Nakakuha ang mga awtoridad ng search warrant para sa operasyon matapos magsampa ng pormal na reklamo ang asawa ng suspek.

“Nailahad nung wife kung ano ‘yung mga abuses na ginawa sa kanya… nabanggit dun na tinututukan siya ng firearms, tinatakot siya ng mga pampasabog,” kwento ni San Juan City police chief Col. Francis Allan Reglo.

Na-recover sa operasyon ang higit 1,000 na iba’t ibang uri ng armas gaya ng handgun at rifle, mga bala, at mga pasabog tulad ng granada.

Depensa ng suspek, “pamana” sa kaniya ang ibang mga armas, at “hobby” na niya ang mangolekta ng mga ito.

“Ang naka-register lang sa kanya is one firearm, lang which is wala po rito,” pun ani Reglos. “Base dun sa kanya, yung ibang firearms po ay minana niya sa kaniyang yumaong ama. Then naging hobby niya na magcollect na rin at gumawa ng firearm.”

Makakaharap siya sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 10591, o Illegal Possession of Firearms, at RA No. 9516 (Illegal Possession of Explosives). Sasampahan rin siya ng paglabag sa RA No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) dahil may na-recover ring shabu sa operasyon.