Hindi pinalipat ng upuan, pasahero nambastos ng flight attendant!

Naimbyerna ang mga netizen sa isang video sa Facebook kung saan matutunghayan kung paano pinahiya ng isang pasahero ang flight attendant sa isang eroplano.

Naimbyerna ang mga netizen sa isang video sa Facebook kung saan matutunghayan kung paano pinahiya ng isang pasahero ang flight attendant sa isang eroplano.

Sa video na pinost ni Melozen Dela Torre, naganap ang insidente sa loob ng isang eroplano na papaalis Mactan-Cebu International Airport noong Abril 19.

Patagong kinunan ni Dela Torre ng video ang pangyayari, kung saan maririnig na pinagagalitan ng isang lalaking pasahero ang lalaking flight attendant.

“Dun tayo sa Canada mag-Englishan tayo dun,” sambit ng lalaking pasahero.

Tila nagalit ang pasahero nang hindi siya payagang lumipat sa ibang upuan ng flight attendant at kausapin sa pamamagitan ng ingles.

“Yabang mo. Dun tayo sa Canada puntahan mo ako mag-Englishan tayo,” sambit ng pasahero. “English, english ka pa, nandito tayo sa Pilipinas.”

“Kala mo nasa Edsa carousel lang e,” komento ni Senyora sa video.

“Ang yabang mo naka ECONOMY seat ka lang naman,” komento pa ng isang netizen.

Samantala, sinaluduhan naman ni Dela Torre ang FA dahil propesyonal nitong hinarap ang pasaway na pasahero.