Hindi patitinag para sa bayan! Resupply missions, magpapatuloy kahit may tensiyon kontra China — NSA

Bagaman patuloy ang pangha-harass, pananakot, at panggigipit ng Chinese Coast Guard at maging ang People's Liberation Army, itutuloy pa rin ng Philippine Navy ang resupply missions nito sa West Philippines Sea.

Hindi magpapaapi ang Pilipinas sa China.

Tila iyan ang pangako ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya nang sabihin nitong itutuloy ang mga resupply missions para sa mga detachment ng bansa sa West Philippine Sea kahit pa patuloy na nangha-harass at nananakot ang China.

“We will just continue to do what we are supposed to be doing, which is implementing the 2016 Arbitral Award, kasi tinatanong ng karamihan, how would the Philippines implement the Arbitral Award. (Gagawin nation ito) by exercising our rights, our sovereign rights, so patuloy lang po ‘yung ating resupply whether it is Ayungin Shoal, whether it is in Rizal Reef, kahit may harassment hindi na galing sa Chinese Coast Guard but coming from the PLA (People’s Liberation Army) Navy (as well),” paliwanag ni Malaya sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing Lunes, Oktubre 16.

Dagdag pa ni Malaya, hindi patitinag ang Philippine Navy sa mga taktika ng China.

“They will continue to do what is necessary to supply our people. We will continue to resupply our people and we will continue to support our fishermen na nangingisda sa WPS,” giit pa niya.