Hindi patitinag ang Pilipinas: Ipaglalaban natin ang atin ayon sa batas—PBBM

Muling nanindigan ang pangulo na ipaglalaban ng bansa ang karapatan nito sa West Philippine Sea, at mangunguna rito ang Hukbong Sandatahan, na patuloy na nagpapamalas ng katapangan at dignidad sa harap ng mga sigalot at pangha-harass ng China.

Hindi patitinag ang Pilipinas sa mga agresibong taktika ng China sa West Philippine Sea. Iyan ang isa sa mga pangunahing mensahe ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang pagdalo sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

BASAHIN RIN: Sa Pilipinas ang West Philippine Sea! PBBM, nanindigang hindi isusuko ang teritoryo ng bansa kahit kanino

“We shall continue to assert our rights in accordance with the Philippine Constitution and international law. The recent incidents involving no less than our AFP Chief of Staff is worrisome,” ani Marcos sa selebrasyong ginanap sa Camp Aguinaldo sa Quezon City nitong Huwebes, Disyembre 21.

Ang tinutukoy ng pangulo ay ang panggigipit ng mga bapor ng China sa mga barko ng Pilipinas, kabilang ang Unaizah Mae 1 na lulan mismo si AFP chief General Romeo Brawner Jr.

BASAHIN RIN: Walang na silang pinipili! AFP chief, naranasan mismo ang panggigipit ng China sa resupply mission ng Pilipinas patungong Ayungin Shoal

Bagaman patuloy ang pangha-harass ng China, hindi pa rin tumitigil ang AFP sa pagpatrolya sa West Philippine Sea at sa pagsasagawa ng mga resupply mission rito—bagay na pinapurihan ng pangulo.

“It is a proud demonstration of Filipino courage against coercion and our firm resolve to protect, preserve, and uphold our territorial integrity. I know that our soldiers and our troops espouse the same values and principles and they remain undeterred by actions that stir tension,” aniya.

BASAHIN RIN: Pumupwesto na naman sila: Chinese militia vessels sa paligid ng Julian Felipe Reef, dumarami