Hindi pang atake sa Senado! Presscon ng Kongreso, para sa publiko – solon

Dinepensahan ni Deputy Speaker at Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano ang madalas na isinasagawang pulong balitaan sa Kamara.

Dinepensahan ni Deputy Speaker at Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano ang madalas na isinasagawang pulong balitaan sa Kamara.

Ayon sa mambabatas, ang araw-araw na press conference ay matagal nang pinaplano ng Mababang Kapulungan upang magbigay ng impormasyon sa publiko.

Taliwas aniya ito sa paratang ng ilang Senador na ginagamit ng mga Kongresista ang regular na press conference upang mang-atake at mamuna.

“This daily press conference was conceptualized last June of 2022, and, we have just now recently deployed and perfected it,” ani Albano.

Giit pa niya, ang araw-araw na pulong balitaan ay ginagawa upang ipakita sa taumbayan na nagtatrabaho ang Kongreso at kung anu-anong mga panukalang batas at polisiya ang kanilang naipasa o planong isagawa.

“These daily press conferences are never about bashing anyone or any institution, contrary to what some of our counterparts in the Senate accuse us of doing. We also are not doing this daily presscons to propagate nefarious and unhealthy false news to our people,” ani Albano.