Hindi pababayaan ang taumbayan! Modernong Disaster Response Command Center, pinasinayaan ni PBBM

Ang naturang command center ay mayroong mga makabagong kagamitan at gumagamit ng mga modernong teknolohiya na magpapadali at magpapabilis sa paghatid ng karapatang tulong sa mga oras ng kalamidad.

Pormal nang pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang makabagong Disaster Response Command Center ng pamahalaan, na nakabase sa central office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasabay nito ang seremonya sa paggunita ng ika-73 anibersaryo ng DSWD na ginanap sa head office nito sa Batasan, Quezon City nitong Biyernes, Enero 12.

Ang naturang command center ay mayroong mga makabagong kagamitan at gumagamit ng mga modernong teknolohiya na magpapadali at magpapabilis sa paghatid ng karapatang tulong sa mga oras ng kalamidad.

“More than palliatives, the country’s poor and deprived deserve permanent relief from conditions that chain them to misery,” ani Marcos sa kaniyang talumpati. “It is not enough that we come in when they are in a time of need, when there is a disaster, and once they return to normal life, we leave them.”

Kaugnay niyan ay hinimok ng pangulo ang DSWD na siguraduhing hindi nito pababayaan ang mga Pilipino, may kalamidad man o wala.

“Ang ayuda ay pantawid lamang, yung iaahon ka sa hirap, di maaaring basta pabayaan ang taumbayan,” aniya.