Hindi pa tapos! DOJ, iaapela desisyon sa pagpatay kay Jemboy

Planong iapela ng Department of Justice (DOJ) ang naging desisyon ng korte sa pagbaril at pagpatay ng mga pulis sa 17-anyos na si Jemboy Baltazar noong nakaraang taon.

Planong iapela ng Department of Justice (DOJ) ang naging desisyon ng korte sa pagbaril at pagpatay ng mga pulis sa 17-anyos na si Jemboy Baltazar noong nakaraang taon.

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, iaapela nila ang kaso ni Baltazar sa Court of Appeals (CA) sa tulong ng Office of the Solicitor General.

“Marami po tayong mga nakitang mga areas at arguments doon sa desisyon na pwede na nating i-argue on appeal. Isa na po diyan ‘yung conspiracy, ‘yung isa ‘yung intent to kill, ‘yung reasonableness of the action taken by the police and the reaction that the police had noong medyo patakas si Jemboy,” ani Calvano.

Kinasuhan ng murder ng DOj ang mga pulis noong Agosto 2023 sa pagpatay kay Jemboy.

Subalit sa desisyon ng Navotas RTC 286, ay convicted sa kasong homicide ang akusadong si Police Staff Sgt. Gerry Maliban na napatunayang bumaril at nakatama kay Baltazar. Siya ay nahatulan ng pagkakakulong ng 4-6 taon.

Samantala, kulong naman ng apat na buwan ang hinatol kina PEMS Roberto Balais Jr., PSSSgt. Nikko Pines Esquilon, PCpl. Edward Jose Blanco at Patrol­man Benedict Mangada matapos mapatunayang guilty sa kasong illegal discharge of firearms.

Abswelto naman sa kaso si PSSSgt. Antonio Bugayong Jr. dahil hindi umano napatunayang nagpaputok ito ng baril.