Hindi pa tapos ang trabaho: PNP, naka-full alert pa rin hanggang katapusan ng Nobyembre

Para sa kapulisan, hindi pa tapos ang eleksyion dahil hanggang Nobyembre pa ang election period, kung kaya naman on full alert pa rin ito at patuloy na magmamanman sa post-election activities.

Mananatiling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) kahit tapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE), ayon na rin sa pambansang kapulisan. Ngayon naman, babantayan nila ngayon ang post-election activities.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, hanggang pagtatapos ng election period ay naka-full alert ang PNP.

Dagdag pa ni Fajardo, kasama sa kanilang babantayan ang transportasyon ng mga election returns sa local, provincial, at national canvassing board ng Comelec para maiwasan ang ballot snatching.

Sinabi rin ni Fajardo na magbabantay sila hanggang sa makaupo ng pormal ang mga nahalal na kandidato.

Ang pagtatapos ng election period ay sa Nobyembre 29 pa.