Hindi pa naka-arangkada, pinara agad ng LTFRB! Bagong ride-hailing app na inDrive, sinuspinde matapos malamang aregluhan ang basehan ng pamasahe

Nag-ugat ang suspensyon nang malaman ng LTFRB na pwedeng pag-usapan ng drayber at pasahero ang pasahe gamit mismo ang inDrive app. Dahil dito, maaaring hindi masunod ang fare matrix na itinalaga ng ahensya.

Sinuspindi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng ride-hailing firm na inDrive dahil diumano sa sistema nito kung saan maaaring magkaroon ng negosasyon sa pasahe ang mga drayber at pasahero nito gamit ang app.

Enero 23 pa pinahinto ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz ang operasyon ng inDrive ng RL Soft Corp. sa bisa ng isang temporary cease and desist order. Binigyan rin niya ng 15 araw ang kumpanya para sumunod sa mga termino ng accreditation nito at magpresinta ng proof of compliance

“The LTFRB remains committed to ensuring the safety and fair practices within the transportation industry. Haggling of fares not only goes against the principles of transparency but also jeopardizes the welfare of both passengers and drivers,” saad ni Guadiz tungkol sa suspensyon.

Nag-ugat ang suspensyon nang malaman ng LTFRB na pwedeng pag-usapan ng drayber at pasahero ang pasahe gamit mismo ang inDrive app. Dahil dito, maaaring hindi masunod ang fare matrix na itinalaga ng ahensya.

Kanya naman pinaalalahanan ni Guadiz ang mga transport companies na sumunod sa mga polisiya at patakaran ng ahensiya para mabigyan ng ligtas at maayos na serbisyo ang mga mananakay.

“The LTFRB will continue to enforce policies that prioritize the safety, fairness and efficiency of transportation services for the benefit of the commuting public,” aniya.