Hindi pa huli ang lahat para matuto! 60-anyos na katutubong Bikolana, pursigido pa rin sa pag-aaral

Grade 2 na ngayon si Melody Portugal sa Katutubo Village Elementary School (KVES) sa Barangay Bakal sa Paracale, Camarines Norte, kung saan matagal na itong nagsasaka sa isang sakahan ng calamansi.

Isang miyembro ng tribong Manide sa Camarines Norte ang pursigido ngayong inaabot ang kaniyang pangarap sa pamamagitan ng pag-aaral—kahit pa 60-anyos na ito.

Grade 2 na ngayon si Melody Portugal sa Katutubo Village Elementary School (KVES) sa Barangay Bakal sa Paracale, Camarines Norte, kung saan matagal na itong nagsasaka sa isang sakahan ng calamansi.

Edad 57 na nang magsimulang mag-aral si Portugal matapos makumbinsi ng principal ng KVES ang pamilya nito na lumipat malapit sa paaralan.

Dito na nagsimula ang pangarap muli ni Portugal, na aminadong may takot noong una dahil hindi ito sanay makisalamuha sa mga taong hindi nito katribo.

Gayunpaman, tinanggap ni Portugal ang malaking hamon ng edukasyon, at unti-unti itong natututo kahit papaano.

Biro pa niya, gusto niyang mag-aral upang mabasa niya ang mga signboard para hindi siya mawala kung maglalakbay siya.

Subalit sa pagpupursigi Portugal, hindi imposibleng matupad nito ang iba pa niyang pangarap sa buhay.