Hindi nagsisinungaling ang ebidensya! Hindi nangyari ang nakawan na viral sa social media kasi walang basehan—PNP

Walang basehan ang viral videos sa social media ng diumanong mga nakawan, dahil walang nag-file at walang ebidensya, ayon sa pulis.

Walang basehan ang diumanong naganap ng serye ng mga nakawan sa Quezon City na naging viral sa social media, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang pahayag, hinikayat ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon na pakalat-kalat sa social media at internet dahil hindi lang ng lumalabas doon ay tama o totoo.

“We urge everyone to stay alert and cautious of unverified information encountered in cyberspaces. The PNP is always here to serve and protect you from street crimes and even from cybercrimes,” ayon kay Acorda.

Kinatigan rin ng pamunuan ng PNP ang naunang pahayag ng Quezon City Police District (QCPD) na walang napaulat na mga nakawan sa mga lugar na diumanong pinangyarihan ng insidente.

“There is no concrete evidence to support the claims of these alleged robbery incidents,” sinabi ni QCPD director Brig. Gen. Redrico Maranan.

Kumalat sa social media ang diumanong iba’t ibang mga insidente ng nakawan, kabilang ang pagnakaw sa isang Japanese restaurant kung saan natangay ang P100,000 halaga ng cash, alahas, at telepono; at mga nakawan pa sa isang coffee shop at seafood restaurant sa Banawe kung saan umabot sa P250,000 kada lugar ang halaga ng mga nakuha ng magnanakaw.