Hindi nagpatalo, kinabog ang panalo! Isang mananaya, wagi ng higit P690 milyon sa Grand Lotto 6/55

Ang naturang premyo ay pinakamataas sa kasaysayan ng lotto ng PCSO. Inungusan nito ng higit P50 milyong ang P640,654,817.60-milyong jackpot na napanalunan sa Super Lotto 6/49 noong Lunes ng gabi, Enero 15.

Dalawang araw matapos mapanalunan ng isang masuwerteng mananaya ang higit P640 milyong jackpot ng Super Lotto 6/49, isang masuwerteng mananaya rin ang nagwagi ng higit P690 milyon nang mahulaan ang tamang kumbinasyon sa Grand Lotto 6/55 sa bola kagabi, Enero 17.

Ang masuwerteng kumbinasyon ay 24-50-52-09-51-03, at ang kabuuang jackpot prize ay umabot sa P698,806,269.20.

Ang naturang premyo ay pinakamataas sa kasaysayan ng lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Inungusan nito ng higit P50 milyong ang P640,654,817.60-milyong jackpot na napanalunan sa Super Lotto 6/49 noong Lunes ng gabi, Enero 15.

Gaya ng Super Lotto 6/49 at Ultra Lotto 6/58, nagsimula sa P500 milyon ang jackpot ng Grand Lotto 6/55, bilang bahagi ng Handog Pakabog pa-gimik ng PCSO.

BASAHIN RIN: Kabog na kabog sa Handog Pakabog! P640-M jackpot sa Super Lotto 6/49, tinamaan ng isang mananaya