Hindi naawa sa mga inabusong bata! DENR Region 13, hinayaan lang ang SBSI kahit pinuputakte na ng reklamo ang patakbo sa Sitio Kapihan

Kibit-balikat lang ang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sinabing naawa ang ahensya sa Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) kaya hindi kaagad ipinatupad ang suspension order sa kasunduan nito.

Hindi kaagad ipapatupad ang pagsuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kasunduan nito sa Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) para protektahan at palaguin ang lugar dahil sa humanitarian reasons.

Ginawa ang pahayag ni DENR Region 13 director Nonito Tamayo nang tanungin siya sa pagdinig ng Senado sa budget ng kagawaran Miyerkules, Oktubre 4.

Tinanong ang opisyal kung bakit kahit patung-patong na ang paglabag ng SBSI sa Protected Area-Community Based Resource Management (PACBRMA) nito, na unang naitala noong 2019, walang ginagawang aksyon ang DENR.

“In 2019, it was during the COVID-19 pandemic, then there was the earthquake, and then typhoon Odette. While we’ve been doing our monitoring in the areas, I must admit that for humanitarian reasons, I considered these reasons why a cancellation was not done,” sinabi ni Tamayo sa pagdining ng Senate subcommittee on finance na tumatalakay sa budget ng ahensya sa susunod na taon.

“But then we wrote them letters twice, in 2020 and 2021, reminding them of their obligations,” dagdag pa ni Tamayo.

Kinastigo ni Senator Ronald dela Rosa ang opisyal dahil sa kawalan ng aksyon nito.

“You are the regulatory agency and you are in touch with the situation there. You should have sought assistance from the police and even military. You don’t just leave things be,” ani Dela Rosa.