Hindi na sumunod pero may tulong pa rin sila! DOLE, naglaan ng tulong sa mga tsuper na apektado ng PUVMP

Ayon sa DOLE, nagtutulungan na ang iba-ibang sangay ng pamahalaan upang masiguradong matutulungan ng "enTSUPERneur" ang tinatayang 30,000 tsuper at operator na hindi sumunod sa mandatong konsolidasyon ng PUVMP.

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may nakalaang tulong para sa mga tsuper na maaapektuhan ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ang tulong na ito, ayon kay DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma, ay sa ilalim ng proyektong pangkabuhayang “enTSUPERneur,” kung saan tutulungan ng ahensya magsimula ng maliit na negosyo ang mga tsuper.

“Itong taon na ito, mayroon pong naka-lineup na 1,500 transport workers na nagnanais ding makakuha, na habang nagnanais silang sana tuloy-tuloy ang kanilang talagang pangunahing hanapbuhay, ay matulungan natin, magabayan natin na mayroon silang alternatibong pagkakakitaan,” sabi ni Laguesma.

BASAHIN RINAyaw na ngang sumunod, gusto pang mang-abala! Transport groups, magsasagawa na naman ng protesta kontra PUV modernization

Bukod diyan, sinabi rin Laguesma na tinatayang 4,500 tsuper na ang natulungan ng DOLE sa halagang P123 million.

Ayon pa sa kanya, nagtutulungan na ang iba-ibang sangay ng pamahalaan upang masiguradong matutulungan ng “enTSUPERneur” ang tinatayang 30,000 tsuper at operator na hindi sumunod sa mandatong konsolidasyon ng PUVMP.

“Mayroon din nga pong direktiba ang ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. na mag-converge ang mga departamento na mayroong resources na pwedeng pagsama-samahin at matulungan po yung mga apektadong manggagawa,” ani Laguesma.

BASAHIN RINParusahan kung mayroon kalokohan! Mga alegasyon ng korupsiyon sa PUV modernisasyon, iimbestigahan sa Kamara