Hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa! DTI, truckers’ group sa mga LGU: Sundin ang direktiba ni PBBM sa pagtigil ng koleksyon ng pass-through fees

Pinuri ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng samahan ng mga may-ari ng truck ang Manila City Government na kaagad tumupad sa tigil-koleksyon ng pass-through fees sa lungsod ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) at isang samahan ng mga may-ari ng truck sa mga local government units (LGU) na tumupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagtigil ng koleksyon sa mga “pass-through” fees.

Nakiusap si Rina Papa, bise president ng Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations (ACTOO), sa mga LGU na kaagad ipatupad ang pagtanggal sa mga singil ng pass-through fees upang matulungan ang mga trucker na nahihirapan na rin sa mataas na presyo ng krudo at gasolina.

“Our hope is that the [Executive Order] will be respected. After all, that EO has undergone tedious studies, consultations among stakeholders when it was issued by the President. So we are asking for respect and strict compliance, and in case of non-compliance, we hope the LGUs be taught their lesson for not complying,” ani Papa.

HInikayat naman ni Maria Blanca Kim Bernardo-Lokin, trade undersecretary for communications and legislative affairs, ang mga LGU na tularan ang hakbang ng Manila LGU na pinatigil agad ang koleksyon ng pass-through fees sa lungsod.

“When EO 41 was issued, the City of Manila, through their Manila Traffic and Parking Bureau… They have issued a notice, informing compliance for EO 41… they are hereby suspending and discontinuing the collection of pass-through fees,” ani Lokin.

“We hope and we urge the other LGUs to look at the EO 41 the same way… We hope this will serve as an example to other LGUs to follow suit,” dagdag pa niya.

Umapela rin si Papa sa mga nagbabalangkas ng implementing guidelines ng EO No. 41 na bumuo ng probisyon na sasaklaw sa mga daan patunong “business centers, manufacturing sites, and warehouses.”

“So this is not just about traffic in one municipality or road use in one province, but rather it would have an implication on the entire nation,” paliwanag ni Papa.