Hindi na bad boy! Robin Padilla initutulak responsableng pagpapaputok

Nanawagan si Sen. Robin Padilla sa mga may-ari ng baril na maging responsable sa paggamit nito, mapa sa trabaho man o bilang libangan.

Nanawagan si Sen. Robin Padilla sa mga may-ari ng baril na maging responsable sa paggamit nito, mapa sa trabaho man o bilang libangan.

Ito ang mensahe ni Padilla sa unang araw ng Robin Padilla Cup, isang target shooting competition sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa kanyang talumpati, binalikan ng senador ang kanyang nakaraan kung saan nakulong siya sa kasong illegal possession of firearms. Dito umano nagbago ang kanyang pananaw sa paggamit ng armas.

“Paglabas ko po ng kulungan, nasa utak ko talaga ang bagong anyo ng buhay. Kailangan may bagong makita, hindi na ako si bad boy, hindi basagulero o hindi na mainit ang ulo,” saad ni Padilla.

Ipinagmalaki rin ng senador na responsableng paggamit ng baril ang tema ng naturang torneo.

“Disiplina at Responsableng Paggamit ng Baril –ito ang ating kampanya kasama ang PMA Banyuhay Class 2002 at Sandatahang Lakas,” pahayag ng mambabatas sa kanyang Facebook post.