‘Hindi na ako makalakad’: Aktres, idinitalye ang pinagdaanang kalbaryo sa sakit

Patuloy naman ang Platelet-Rich Plasma (PRP) therapy ng aktres, at kumpiyansa ang aktres na magagamit na siya ng tuluyan.

Nakakaranas ng matinding sakit ang aktres na si Angelica Panganiban, na umaming halos hindi na makalakad dahil sa kundisyon niya.

Sa kaniyang pinakahuling vlog, sinabi ni Panganiban na nagkasakit siya ng avascular necrosis, o ang pagkamatay ng bone tissue dahil sa kakulangan sa daloy ng dugo.

Ayon rin sa aktres, matinding pananakit sa kaniyang balakang at hita ang lubha niyang ininda, na nagsimula noong buntis pa lamang siya.

“Nagkaroon ng isang time na hindi na ako makalakad again sobra akong in pain, iyak ako nang iyak. Dinala ako ni Greg sa Asian Hospital sa ortho doctor,” kwento ni Panganiban. “Doon in-injection-an ako ng PRP (Platelet-Rich Plasma) ito ‘yung plasma, ito ‘yung blood na kinuha sa atin, tapos may ginagawa sila, like ilalagay nila sa machine. Tapos magiging ano na siya, tinatawag nila yata, kung ‘di ako nagkakamali ay stem cell na siya. So, ito ang ginawang gamot, nirekta siya sa nerves ko dito sa hips left and right.”

Sa kasamaang palad, bumalik ang sakit na nararamdaman niya, kung kaya’t nagpa-checkup siyang muli.

“So nagpa-RMI ako at lumabas ‘yung result ko na mayroon pala akong avascular necrosis. So avascular necrosis is bone death. Namatay na ‘yung mga bones ko sa aking balakang kaya pala hirap na ako maglakad kaya ‘yung mobility ko ay hindi nasosolusyunan kahit pa anong gawin kong strengthening,” dagdag niya.

Patuloy naman ang PRP therapy ni Panganiban, at kumpiyansa ang aktres na magagamit na siya ng tuluyan.