Hindi makuha sa pakiusapan! Halos 2,000 kandidato sa BSKE, sabit sa premature campaigning – Comelec

Pinagpapaliwanag na ng Commission on Elections (Comelec) ang may 1,955 na kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na ikakusahang sangkot sa premature campaigning.

Pinagpapaliwanag na ng Commission on Elections (Comelec) ang may 1,955 na kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na dawit sa premature campaigning.

Ito ay halos triple sa bilang ng mga kandidatong una nang nadawit sa nasabing kaso.

Ayon sa Comelec, binigyan na nila ng show-cause order ang mga nasabing kandidato, at 228 na ang nagbigay ng kanilang mga sagot.

Ipinaalalala ni Comelec Chairman George Garcia na dapat magbigay ng sagot ang mga kandidato sa loob ng tatlong araw pagkatapos matanggap ang show-cause order.

Dagdag ng Comelec, 66 na kandidato ang nahaharap sa disqualification batay sa inisyal na imbestigasyon nito.

Samantala, 91 na reklamo naman ay hindi na tinuloy dahil sa umano’y lack of basis nito.

Pinaalalahanan naman ng Comelec na bawal pa mangampanya hanggang Oktubre 18 dahil Oktubre 19 pa ang opisyal na simula ng campaign period para sa BSKE.