Hindi liwaliw! PBBM umalma sa akusasyong namamasyal lang abroad

Pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang banat ni dating pangulong Rodrigo Duterte na namamasyal lang siya sa kanyang mga foreign visit.

Pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang banat ni dating pangulong Rodrigo Duterte na namamasyal lang siya sa kanyang mga foreign visit.

Kasalukuyang nasa Central Europe para bisitahin ang Germany at Czech Republic, ipinakita ni Marcos sa miyembro ng media ang kanyang punung punong schedule.

“Ito ‘yung schedule ko. San ‘yung pasyal? This is my schedule for today,” ani Marcos

“Where’s the pasyal? Wala, you know, kasama kayo diyan, kasama niyo kami. We don’t make pasyal. Even in the places that I know where I have spent a lot of time with, hindi ko na napupuntahan ‘yung mga dati kong pinupuntahan because we’re here to do this,” dagdag pa niya.

Mag-uuwi si Marcos ng USD 4 billion halaga ng investment mula sa Germany matapos ang kanyang two-day working visit.

Makikipagpulong naman siya sa mga opisyal at business leaders sa Czech Republic sa kanyang state visit doon ngayong linggo.