Hindi lang pang-engkwentro, pang pageant pa! Pambato ng Philippine Army, naiuwi ang titulong ‘Ang Sir Kong Pogi’ sa Paskuhan sa 2D Albay 2023

Kabilang sa mga nakilahok sa patimpalak ang Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Army (PA), Philippine Airforce (PAF), Philippine National Police (PNP), Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

LEGAZPI CITY, ALBAY – Nasa 14 na men in uniform mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang naglaban-laban sa Sir Kong Pogi 2023 na idinaos sa isang mall sa pasado alas-5:00 ng hapon nitong Lunes, Disyembre 18.

Kabilang sa mga nakilahok ang Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Army (PA), Philippine Airforce (PAF), Philippine National Police (PNP), Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Maliban sa pagwapohan, nagpagalingan din ang mga lumahok sa kanilang talento, pagrampa at sa pagsagot sa Question and Answer portion.

Naiuwi ni 2nd Lt. Ahmad Tauy Tandong ng Philippine Army ang titulong ‘Ang Sir Kong Pogi 2023’ at siya rin ang nagwaging best in production number.

Hinirang naman si Lt. Mar Joseph Reboriano ng PNP ang ikalawang pwesto habang first runner up naman si Ens. Roscen Craig ng Philippine Navy.

Ayon kay Ma. Bernadeth Banares, ang event head organizer, ito na ang ika-apat na taon ng ‘Ang Sir Kong Pogi’ na taon-taong isinasagawa ng Team Albay Youth Organization o TAYO.