Hindi ito pipityuging gamit! Karagdagang 4K na modernong body camera, bibilin ng PNP ngayong taon

Target ng PNP na makapagpamahagi ng tinatayang 40,000–45,000 na unit sa buong pwersa ng Pambansang Kapulisan. Subalit sa ngayon ay nasa 2,956 pa lamang ang may gamit ng body camera.

Bibili ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang 4,000 na body camera ngayong taon upang matugunan ang kakulangan nito sa hanay ng kapulisan.

Target ng PNP na makapagpamahagi ng tinatayang 40,000–45,000 na unit sa buong pwersa ng Pambansang Kapulisan. Subalit sa ngayon ay nasa 2,956 pa lamang ang may gamit ng body camera.

“Hopefully, by next year, we can fulfill our shortage. It may not be the entire 45,000, but at least, based on the latest budget hearing, the procurement of additional body-worn cameras is included in the 2024 budget,” sabi ni Fajardo sa isang panayam sa radyo.

Taong 2021 nang magpasya ang PNP na magpasuot ng body camera sa mga pulis upang masiguradong lehitimo ang mga operasyon at walang pang-aabusong nagaganap.

Nilinaw rin ni Fajardo na may kamahalan ang mga body camera dahil moderno ang mga ito at may iba’t ibang features gaya ng GPS capability at internet connectivity. May kasama rin itong software at docking station.