Hinawakan na sa tenga si Bato! Mga imbestigador ng ICC, walang tulong na makukuha mula sa gobyerno — PBBM

Hindi kinikilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hurisdiksiyon ng International Criminal Court sa Pilipinas, kung kaya hindi ito makakaasang tutulong ang pamahalaan sa imbestigasyon nito hinggil sa drug war ng nakaraang administrasyon.

Hindi makakaasa ang International Criminal Court (ICC) na tutulungan ito ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa imbestigasyon nito laban sa madugong drug war ng nakaraang administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“I do not recognize the jurisdiction of the ICC in the Philippines. I consider this as a threat to our sovereignty. Therefore, the Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts,” aniya sa isang ambush interview sa Quezon City nitong Martes, Enero 23.

Gayunpaman, malugod na tatanggapin ng Pilipinas ang mga imbestigador ng ICC kung nais nilang bumisita dito.

“However, as ordinary people, they can come and visit the Philippines,” ani Marcos.

Dagdag pa niya, aatasan niya ang mga sangay ng gobyerno na huwag makipagtulungan sa ICC kung sakaling makipag-ugnayan ito ukol sa imbestigasyon nito.

“We do not recognize your jurisdiction; therefore, we will not assist in any way, shape, or form in any investigation that the ICC is doing in the Philippines,” giit niya.