Hinaras na rider sa Wattah! Wattah! Festival nagsampa na ng kaso

Pormal nang naghain ng reklamo sa lokal na pamahalaan ng San Juan City ang lalamove rider na naharas umano sa pagdiriwang ng Wattah! Wattah! Festival sa lungsod.

Pormal nang naghain ng reklamo sa lokal na pamahalaan ng San Juan City ang lalamove rider na naharas umano sa pagdiriwang ng Wattah! Wattah! Festival sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ni San Juan City Mayor Francis Zamora kahapon kung saan personal niyang sinamahan ang rider sa Office of the City Prosecutor upang ihain ang kaso ng unjust vexation, slander, at malicious mischief laban sa residenteng namasa at nambatok sa Wattah! Wattah! Festival.

Kwento ni Eustaquio Rapal, ang nagreklamong lalamove rider, alam niya naman daw na may basaang manyayari ngunit siya ay direktang pinuntirya ng residente at nang siya ay nanlaban, pinagbabatukan pa siya nito.

Humingi naman ng paumanhin si Zamora sa nangyari at nangakong ‘di na ito mauuulit.

Hinikayat naman ni Zamora ang mga naperwisyo na pumunta sa kanilang tanggapan upang magsumite ng kanilang pormal na reklamo.

Nagbabala rin si Zamora na iisa-isahin nila ang mga larawan at video para tukuyin ang mga dapat managot sa insidente.