Himas-rehas muna: Batikang aktor, kalaboso dahil sa syndicated estafa

Inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang batikang aktor na si Ricardo Cepeda na may warrant of arrest mula sa isang korte sa Cagayan kaugnay sa kaso ng syndicated estafa.

Nasakote ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang aktor na si Ricardo Cepeda, dahil sa syndicated estafa.

Inaresto si Cepeda, Richard Cesar Go sa tunay nabuhay, sa isang restobar sa A. Mabini street sa Maypajo, Caloocan sa bias ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Gemma Bucayu-Madrid ng Sanchez Mira, Cagayan Regional Trial Court.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng QCPD na nasa naturang restobar si Cepeda dakong 11 a.m. Agad namang nagkasa ng operasyon ang mga operatiba at kanilang naaresto ang batikang aktor matapos ito ma-corner.

Dagdag pa nang nasabing ulat, walang bail na inirekomenda ang korte upang makalaya pansamantala si Cepeda. Wala pa ring opisyal na pahayag ang actor o ang kaniyang pamilya.