Higpit sinturon! Presyo ng petrolyo posibleng sumirit sa susunod na linggo

Posibleng tumaas ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa susunod na linggo, ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.

Posibleng tumaas ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa susunod na linggo, ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.

Inaasahang nasa P0.90 hanggang P1.20 per liter ang itataas ng gasolina; P1.20 hanggang P1.40 per liter naman sa diesel; at P1.10 hanggang P1.30 per liter ang kerosene.

Ito ay base umano sa naging paggalaw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado nitong nakalipas na araw.

Ngunit paglilinaw ni Romero, maaari pang magbago ang resulta sa darating na Biyernes.

Matatandaang kamakailan lang ay nagtaas ang presyo ng gasolina, habang bumaba naman ang sa diesel at kerosene.