Higpit sinturon! Presyo ng LPG, magtataas ngayong buwan

Masamang balita ang salubong ng unang araw ng Marso sa mga konsyumer matapos ianunsyo ng ilang kompanya ng langis ang pagtataas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Masamang balita ang salubong ng unang araw ng Marso sa mga konsyumer matapos ianunsyo ng ilang kompanya ng langis ang pagtataas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ang Petron ay nag-anunsyo ng P0.30 na dagdag sa preso ng kada kilo ng LPG. Dahil dito, ang presyo ng 11 kilo na tangke ay magtataas ng P3. Ang price hike ng Petron ay kasado pagsapit ng alas-12 ng tanghali ngayong Marso 1.

Samantala, ang Solane naman ay magpapatupad din ng taas-presyo ng LPG sa Marso 2. P0.27 naman ang idadagdag nila sa kada kilo ng LPG.

Wala pa namang abiso ang ibang kompanyang nagbebenta ng LPG.