Higit sa lahat ng ganansya, moderno pati mindset nila! Mga kooperatiba, ibinida ang mga benepisyo ng PUV modernization

Giit ng mga sumunod sa konsolidasyon, ang PUVMP ay hindi lamang tungkol sa pagpapalit ng mga lumang. Bagkus, layon nitong siguruhin ang kabuhayan ng mga tsuper at operator at bigyan na mas maayos na serbisyo ang mga mananakay.

Ibinida ng pamunuan ng mga kooperatibang sumunod sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ang mga benepisyong nakukuha nila dahil sa modernisasyon.

Kabilang sa mga ito ay buwanang sahod at pagkakaroon ng mga benepisyong mula sa Social Security System at PhilHealth.

“Aside from that, tumatanggap din sila ng 13th month pay and bonuses pagdating ng kapaskuhan (They also receive 13th month pay and bonuses during Christmas),” sabi ni Pandacan Transport Service Multi-Purpose Cooperative (PTSMPC) chair Edmundo Cadavona sa isang press conference.

May 60 PUV ang PTSMPC at 120 miyembro.

Dagdag ni Ferdinand Lupangosy, chair ng 997 Sandigan Transport Service Cooperative (997), aabot sa 242 pamilya ang nakikinabang sa 35 modernong unit ng kooperatiba.

“Ako po ay may 35 modern units na tumatakbo at ito po’y pinakikinabangan ng 93 members namin at 65 na drivers, 65 conductors, at allied workers na 16,” aniya.

Aminado naman si Freddie Hernandez, chair ng Taguig Transport Service Cooperative (TTSC), na mahirap na proseso ang modernisasyon, lalo pa’t sila ang unang grupong sumunod rito.

Pero giit niya, ang PUVMP ay hindi lamang tungkol sa pagpapalit ng mga lumang. Bagkus, layon nitong siguruhin ang kabuhayan ng mga tsuper at operator at bigyan na mas maayos na serbisyo ang mga mananakay.