Higit sa 200 pamilya, nawalan nang suplay ng kuryente sa ginawang test run ng PNR train sa Legazpi City

Ayon sa Albay Electric Cooperative (ALECO), ang supplier ng kuryente sa probinsya, papabilisin nila ang pagsasaayos ng mga kable at poste upang hindi madilim ang Kapaskuhan ng mga apektadong pamilya.

ALBAY – Nagdulot ng brownout ang ginawang test run ng Philippine National Railways (PNR) Train sa Zone 10 at 3 ng Barangay Bitano, Legazpi City matapos na makaladkad nito ang mga kable ng kuryente sa lugar alas-4:00 ng hapon nitong Martes, Desyembre 19, 2023.

Ang insidente, nakunan pa ng cellphone video.

Ayon sa barangay, kabuuang 265 na pamilya ang apektado ng ginawang test run ng PNR

Kaugnay nito, nanawagan ang mga residente na agad maibalik ang suplay ng kuryente bago pa mag-Pasko.

Samantala, ayon sa Albay Electric Cooperative (ALECO), ang supplier ng kuryente sa probinsya, papabilisin nila ang pagsasaayos ng mga kable at poste upang hindi madilim ang Kapaskuhan ng mga apektadong pamilya.