Higit P900K makinarya ibinigay sa mga magsasaka sa CamSur

Inaasahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na tataas ang kita at bilang ng produksyon sa agrikultura sa Camarines Sur II matapos makakuha ang lugar ng mahigit P900,000 halaga ng mga makinarya.

Inaasahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na tataas ang kita at bilang ng produksyon sa agrikultura sa Camarines Sur II matapos makakuha ang lugar ng mahigit P900,000 halaga ng mga makinarya.

Ayon kay DAR-Camarines Sur II senior agrarian reform program officer Monica Camacho, nasa limang agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) ang napamahagian ng ilang farm machinery.

Aniya, inaasahan ng ahensya na hindi bababa sa 5 porsyento ang pagtaas sa kanilang kabuuang produksyon. Bukod dito, mabilis na maipapaabot ang trabaho, at mababawasan ang pagkawala sa anihan at ang pagkaantala sa produksyon.

Maaarin din na magkaroon ng karagdagang kita ang mga ARBO sa pamamagitan ng pagpaparenta ng naturang kagamitan sa mga miyembro at hindi miyembro ng organisasyon.

“With the different kinds of farm machinery and equipment, we are expecting at least a 5-percent increase in their total production. Aside from that, it will expedite the labor, and decrease harvest losses and production delays. For the additional income, under the memorandum of agreement between DAR and the ARBO, the policy system and procedure allowed them to lease the machinery to members or non-members as income-generating,” pahayag ni Camacho.

Samantala, kasama sa mga ipinamigay ay ang mga hand tractor, rototiller, rice thresher, at corn sheller.