Higit P40B nilabas ng DBM para sa pensyon ng indigent seniors

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P40 bilyon na pondo para sa social pension ng mga senior citizen sa buong bansa.

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P40 bilyon na pondo para sa social pension ng mga senior citizen sa buong bansa.

Ibinigay ng DBM ang pondo para sa Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) Program ng Department of Social Welfare and Development.

Layon ng SPISC na mapabuti ang kalagayan ng mga kwalipikadong na senior citizens sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang pang-araw-araw at medikal na pangangailangan.

Base sa DBM, nasa mahigit apat na milyong senior ang makakatanggap ng kanilang pensyon.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang agarang pagpapalabas ng pondo ay ayon sa pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pangalagaan ang mga nakatatanda.

“We recognize the challenges faced by the elderly and understand the importance of providing timely assistance to alleviate their hardships. The prompt release of this budget allows us to make a tangible difference in their lives,” ani Pangandaman.