Higit 8K na dating drug user, nagbagong buhay na – DSWD

Nasa mahigit 8,000 na Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) ang nakabalik na sa kanilang pamilya at komunidad simula noong 2021, ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa mahigit 8,000 na Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) ang nakabalik na sa kanilang pamilya at komunidad simula noong 2021, ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, sumailaim ang mga RPWUDs sa rehabilitation sa ilalim ng Yakap Bayan Program (YBP).

Sinabi ni Dumlao, layon ng naturang programa na mabigyang interbensyon ang mga taong gumagamit ng droga habang sumusunod sa mga pamamaraan batay sa karapatang pantao.

Ito ay sa pamamagitan ng elapse prevention sessions, counseling sessions, health and fitness therapy, spiritual interventions, at skills training.

“The YBP is a holistic intervention of the DSWD which adopts human rights-based approaches to assist RPWUDs, their families and communities toward recovery,” ani Dumlao.

“An increase in the number of implementing LGUs is expected within the year since the YBP has been institutionalized in January as a regular program of the DSWD through its Operations Group,” dagdag pa niya.

Samantala, nakipag-ugnayan naman ang DSWD sa Dangerous Drugs Board (DDB) upang mas mapaigting ang pagsasanay sa YBP kasama ang mga LGU sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.