Higit 8,600 menor nahuli dahil sa vape, yosi – PNP

Pumalo sa mahigit 8,600 ang bilang ng mga menor de edad na nahuling lumalabag sa mga batas patungkol sa paggamit ng vape at sigarilyo mula Mayo hanggang Disyembre ng nakataang taon, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Pumalo sa mahigit 8,600 ang bilang ng mga menor de edad na nahuling lumalabag sa mga batas patungkol sa paggamit ng vape at sigarilyo mula Mayo hanggang Disyembre ng nakataang taon, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ang mga menor de edad ay hinuli sa paglabag sa Executive Order 26 on smoke-free environments at sa Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act or RA 11900.

“Meron na po tayong kinonduct na operation na 340,161. Iyan po ay for violation ng E0 26. Ang number po ng violations po ay 121,579 at 6,714 po diyan ay mga minors po,” ani Fajardo.

“Meron na pong mga naaresto po na mga adult naman po for violation ng RA 11900. Ang violation po nasa 30,301, ang number ng violations po ay nasa 8,299 at 1,902 po doon ay minor,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng EO 26, mahigpit na ipinagbabawwal ang pagbebenta o pagbili ng sigarilyo mula sa mga kabataan. Bukod dito, binabawalan din ng batas na manigarilyo ang mga edad 18 pababa.

Samantala, sa RA 11900 naman ay binabawalan ang mga menor de edad na gumamit ng mga vape, kahit pa sa mga Designated Vaping Area.

Wika pa ni Fajardo, karamihan sa mga nahuling kabataan ay pinagsabihan lamang at isinauli rin sa kanilang mga magulang.

Kaya naman, ikakasa umano ng PNP at ng Department of Health ang matinding pagpapatupad ng batas sa paninigarilyo at pagve-vape.