Higit 80K nagpatala sa unang araw ng Voter Registration

Sa datos ng Comelec, pinaka-marami ang nagpatala sa National Capital Region (NCR) na umabot ng 10,623 kasunod ng Region III na mayroong 10,143.

Dumayo ng Pag-asa Group of Islands ang Commission on Elections sa unang araw ng Voter Registration nitong lunes, February 12.

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Garcia ang Voter Registration sa munisipalidad ng Kalayaan sa Palawan kasama si Commissioner Ernesto Maceda, Jr. Umabot sa 50 botante ang nagpa-rehistro sa naturang isla na isa sa pinaka-malayong lugar sa bansa.

Ginawa ng Comelec ang naturang hakbang upang maipakita na kayang abutin ang malalayong lugar sa bansa o Geographically Isolated And Disadvantaged Area (GIDA).

Samantala, itinakda rin ng poll body ang voter registration sa Kamara de Representantes sa ilalim ng Register Anywhere.

Naka-schedule ito sa February 29 sa Nograles Hall ng Batasang Pambansa at sa March 21 sa Belmonte Hall.

Magsisimula ang pagpapa-rehistro mula alas-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para sa mga empleyado ng Kamara, mga Congressional Staff at maging sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan.

Mahigit sa 80,000 ang nagparehistro sa unang araw ng registration sa buong bansa.

Sa datos ng Comelec, pinaka-marami ang nagpatala sa National Capital Region (NCR) na umabot ng 10,623 kasunod ng Region III na mayroong 10,143.

Main Office – 412
National Capital Region – 10,623
Cordillera Administrative Region – 1,172
Region I – 6,705
Region II – 3,430
Region III – 10, 143
Region IV-A – 14,754
Region IV-B – 1,508
Region V – 3,349
Region VI – 4,474
Region VII – 7,890
Region VIII – 3,444
Region IX – 3,162
Region X – 4,197
Region XI – 4,713
Region XII – 3,846
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao – 1,781
Caraga Administrative Region – 3,206

Mayroon namang 463 ang nagparehistro sa “Register Anywhere Program (RAP) sa iba’t ibang malls nationwide.

Ang voter registration para sa 2025 midterm elections ay tatagal hanggang Septermber 30, 2024.

427851138 796690679163433 5867044772762253471 n