Higit 80 Mobile Clinics handog ni FL Liza sa lahat ng probinsya

Inanunsyo ng Presidential Communications Office na simula ngayong buwan ng Hulyo, nasa 82 na Bagong Pilipinas Mobile Clinics ang ipapadala sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Inanunsyo ng Presidential Communications Office na simula ngayong buwan ng Hulyo, nasa 82 na Bagong Pilipinas Mobile Clinics ang ipapadala sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Sa Konsyerto sa Palasyo kagabi na alay sa mga healthcare workers, ipinakita ang mga mobile clinics na naglalaman ng iba’t ibang medical equipment.

Tulad ng Mobile Digital X-ray Machine, Ultrasound Machine, Hematology Analyzer, Binocular Microscope, Clinical Centrifuge, Ophthalmoscope, Reagent Refrigerator, at marami pang iba.

Nauna nang naipamahagi ang pitong BP Mobile Clinics sa mga probinsya sa Central Luzon, na pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Layon ng mga mobile clinics na mailapit ang serbisyong medical sa taumbayan.