Higit 700 bilanggo pinalaya nitong Marso

Iniulat ng Bureau of Corrections (BuCor) na 783 na persons deprived of liberty (PDL) ang kanilang pinalaya nitong buwan ng Marso.

Iniulat ng Bureau of Corrections (BuCor) na 783 na persons deprived of liberty (PDL) ang kanilang pinalaya nitong buwan ng Marso.

Sa nabanggit na bilang 528 ang nabuo na ang mga taon sa kanilang sintensya, 132 ang napawalang-sala, 97 ang nabigyan ng parole, 20 ang nabiyayaan ng probation, apat ang nakapag-piyansa, at dalawa ang nasa ilalim ng conditional pardon.

Ang mga bilanggong napalaya ay mula sa iba’t-ibang kulungan sa bansa na nasa ilalim ng pangangasiwa ng BuCor. Mula sa New Bilibid Prison ang 394 sa mga ito, habang 96 ang mula sa Davao Prison and Penal Farm.

Ang pinalaya naman muya sa Correctional Institution for Women at Iwahig Prison and Penal Farm ay parehong 65 na bilanggo. Sa San Ramon Prison and Penal Farm naman ay 55 ang pinalayha habang 48 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm at 44 sa Leyte Regional Prison.

Dahil dito, pumalo na sa 12,836 ang mga PDL na napalaya sa ilalim ng Marcos administration.