Higit 63K na ‘di rehistradong vape, kinumpiska ng BIR

Nasamsam ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 63,139 na vape mula sa tatlong warehouse sa Maynila at Rizal.

Nasamsam ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 63,139 na vape mula sa tatlong warehouse sa Maynila at Rizal.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., kinumpiska ang mga vape dahil sa hindi naka-rehistro ang mga negosyong nagmamay-ari sa mga ito. Bukod pa rito, hindi rin daw umano nagbabayad ng buwis ang mga ito.

Tinatayang nagkakahalaga ng P151.1 milyon ang mga nasamsam na vape.

“Register your vape businesses and we will help you. Pay the proper excise taxes on your vape products and we will help you. The raids and confiscation of vape businesses and products is the result of your non-registration and non-payment of excise taxes,” saad ni Lumagui.

“The BIR is here to help in the registration and proper payment of taxes of all vape businesses. We will guide you every step of the way,” dagdag pa niya.

Nahaharap sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code ang mga may-ari ng naturang vape product.