Higit 5K nadakip sa drug war ng BBM admin

Mahigit 5,000 na high-value target (HVT) ang naaresto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Mahigit 5,000 na high-value target (HVT) ang naaresto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), magmula ng simulan ng mga awtoridad ang kanilang pagsugpo sa iligal na droga, nasa kabuuang 5,691 HVT na ang nadakip.

Nasamsam naman ang P32.44 bilyon na halaga ng ilegal na droga, kabilang dito ang 4,353.81 kg ng shabu.

Nakumpiska rin ang 50.51 kg ng cocaine, 54,016 piraso ng ecstasy tablets, at 3,589.08 kg ng marijuana.

Samantala, nasa 28,330 na barangay na sa bansa ang idineklarang “drug-cleared.”