Higit 3,000 magsasaka sa Camarines Sur, binigyan ng livelihood assistance ng DA-Bicol

Nasa P79.9 milyon ang kabuuang budget na pondong mayroon ang DA kung saan mapupunta ito sa 3,000 na magsasaka ng Pili, Minalabac, Camaligan, Milaor at Gainza bilang sila ang mga benepisyaryo ng programa.

Pinangunahan nina Regional Executive Director Rodel Tornilla ng Department of Agriculture (DA) Bicol at ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte ang pamimigay ng iba’t-ibang agri-interventions para sa mga magsasaka ng Camarines Sur sa San Fuerte Stadium, Capitol Compound sa Cadlan, Pili, Camarines Sur pasado alas-9:00 ng umaga nitong Lunes, Disyembre 18.

Nasa 79.9 milyon pesos ang kabuoang budget na pondong mayroon ang DA kung saan mapupunta ito sa 3,000 na magsasaka ng Pili, Minalabac, Camaligan, Milaor at Gainza bilang sila ang mga benepisyaryo ng programa.

Kabilang sa mga ipinamigay sa ilalim ng Corn Program ng DA Bicol ang tatlong units ng hauling trucks na nagkakahalaga ng P5 milyon pesos na ibinigay sa Mantila Agrarian Reform Farmers Association ng Sipocot, Camarines Sur, Macalidong Rice Corn and Vegestables Farmers Association ng Ligao City Albay at ang Sagladab Farmers Association ng Lagonoy, Camarines Sur.

Namigay din ng fertilizer discount voucher na nagkakahalaga ng higit P42 milyon pesos at mayroon ding ipinamigay na inbred palay seeds na umaabot sa halagang P380,000.

Namigay din ng fertilizers, gardening tools at cacao planting materials ang Coconut Farmers and Industry Development Program.

Ayon kay DA Bicol Spokesperson Lovella Guarin, layunin ng ahensyang matulungan ang mga magsasaka sa rehiyon na maging globally competitive sa larangan ng agrikultura kaya patuloy silang namimigay ng mga makabagaong kagamitan sa pagtatanim.

Kaugnay nito, nagbigay din ng P5 milyon worth of Kadiwa Financial Grant ang Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa mga kwalipikadong grupo ng mg masasaka sa naturang probinsya.

Ipinamigay din ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (Philmech) ang 11 units ng combined harvesters sa nagkakahalagang sobra 19 milyon pesos.

Kaugnay nito, hangad ng ahensyang pangalagaan ng mga benepisyaryo ang mga kagamitan ibinibiugay sa kanila ng gobyerno upang magamit nila ito ng mas matagal pang panahon.