Higit 300 luto ng baboy inirampa! ‘Pinas ibinulsa Guinness world record

Swak sa Guinness World Records ang aktibidad ng Hog Festival 2024 sa Quezon City ngayong Biyernes, kung saan higit 300 putahe ng baboy ang ibinida.

Swak sa Guinness World Records ang aktibidad ng Hog Festival 2024 sa Quezon City ngayong Biyernes, kung saan higit 300 putahe ng baboy ang ibinida.

Ang Hog Festival 2024 ay inorganisa ng National Federation of Hog Farmers. Dito ay 340 luto ng baboy ang kanilang isinumite ngunit 313 lamang ang pumasa sa Guinness.

Gayunpaman, sapat na ito upang makuha nila ang world record para sa “Most Variety of Pork Dishes on Display.” Ang naturang kategorya ay bagong world record sa listahan ng Guinness. Itinaas nila ang minimum limit sa 300 putahe upang makapasok ito bilang world record.

“I’m happy to be here in the Philippines to adjudicate the official Guinness world attempt for most variety of pork dishes on display. The dishes must follow the following criteria; meat used must be pork, must have at least 3 kg contained in each dish and each dish must be unique, I wish you all the best,” pahayag ni Guinness official adjudicator Sonia Ushirogochi.

Ang world record ay naging posible sa pakikipagtulungan ng malalaking restaurant at mga culinary school.

Ipinagmalaki rin ni Agriculture Secretary Tiu Laurel, Jr. ang tagumpay ng Hog Festival.

“It will promote consumption of pork, raise awareness on ASF, basically, awareness on issue will help control it,” aniya.

“This event will definitely increase awareness sa mga consumer that there is a huge hog industry in our country that needs support. Being on the Guinness Book of World Records will be an achievement on itself, if we do make it on the book of records, it’s something that we can be proud of,” dagdag pa ng kalihim.