Higit 300 estudyante sa Legazpi City, nabigyan ng maagang pamasko ng Ako Bicol Party List

Kasama rin sa pinamigay sa mga mag-aaral ang maternity kits, notebooks, kalendaryo, sanitary pads, diapers, sabon, detergents, at surgical masks.

LEGAZPI CITY – Namigay ng maagang pamasko sa higit 350 estudyante ang Ako Bicol Party List sa Pawa Elementary School noong Disyembre 4. Ilan sa ibinigay ng partido ang hygiene kits. biscuit, tinapay, juice at iba pa.

Kasama rin sa pinamigay ng partido ang maternity kits, notebooks, kalendaryo, sanitary pads, diapers, sabon, detergents, at surgical masks.

Ayon sa Media Relations Officer ng Ako Bicol Partylist na si Salieh Luces malaki man ang pasasalamat sa nakatuwang ng partido gaya ng Children Intenational Philippines, Gardenia Philippines, Clean the World at iba pang mga stakeholders.

Pagtitiyak ng partido na hindi dito matatapos ang ibibigay na tulong at asahan na ang kanilang pagtulong ay tatagal pa ng mahabang panahon.