Higit 30 Chinese national arestado ng BI

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 37 Chinese nationals na umano'y sangkot sa illegal retail sa Parañaque.

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 37 Chinese nationals na umano’y sangkot sa illegal retail sa Parañaque.

Ayon sa ulat, nasa pitong babae at 30 lalaki mula ang nasangkot sa iligal na pagtitinda ng pagkain, groceries, at mga restaurant.

“We received credible information about foreign nationals engaging in illegal retail activities, and our team acted swiftly to address these violations,” saad ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Ang operasyon umano na ito ay pagsisikap ng BI na panatilihin ang integridad ng mga batas sa imigrasyon at protektahan ang mga lokal na negosyo.

“This operation is part of our ongoing efforts to uphold the integrity of our immigration laws and protect local businesses from unfair competition,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng ng BI, sa loob ng Camp Bagong Diwa, ang mga Chinese nationals habang hinihintay ang resolusyon ng kanilang mga kaso ng deportasyon.