Higit 1K Bicolano nakatanggap ng ayuda mula sa Ako Bicol, DOLE

Nagsanib pwersa ang Ako Bicol Partylist at ang Department of Labor and Employment o DOLE para sa pagpapaabot ng TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers sa Camarines Norte.

Nasa higit isang libong benepisyaryo ang isinailalim sa TUPAD orientation nitong June 27 sa Agro Sports Center.

Sa nasabing bilang, 763 ang nagmula sa munisipalidad ng Daet at 305 ang mula sa Basud.

Layunin ng TUPAD na matulungan ang mga kababayan na magkaroon ng hanapbuhay at may pandagdag na kita para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.