Higit 13K PWD sa Bicol Region nakinabang sa cash-for-work program ng DSWD

Higit 13,000 na persons with disabilities (PWDs) ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang cash-for-work program noong nakaraang taon.

Higit 13,000 na persons with disabilities (PWDs) ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang cash-for-work program noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat, 13,621 na PWD mula sa 59 na bayan sa rehiyon ang nakinabang sa P46.99 milyon na pondo sa ilalim ng Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay Cash-for-Work (KKB-CFW) program.

“The CFW program aims to provide temporary employment opportunities to persons with disabilities as well as low income or no income households who have family members with disabilities,” paliwanag ni Ranelle Sertan, social marketing officer ng DSWD-Bicol.

Para sa taong 2024, target ng ahensya na matulungan ang 13,230 na PWD sa Bicol Region. Naglaan ang DSWD ng P47.2 milyon para pondohan ang nasabing proyekto ngayong taon.