Higit 100 fans ni Taylor Swift, nabiktima ng ticket scam; Halos P15M natangay!

Mahigit 100 fans ng sikat na American singer na si Taylor Swift ang lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos umano mabiktima ng ticket scam.

Mahigit 100 fans ng sikat na American singer na si Taylor Swift ang lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos umano mabiktima ng ticket scam.

Tinatayang nasa halos P15 million ang nalambat ng scammer na nagpanggap na nagbebenta ng tickets para sa inaabangang “The Eras Tour” concert in Taylor Swift.

Nakilala ng mga biktima ang naturang scammer online sa isang page sa social media.

Napaniwala silang lehitimong nagbebenta ito ng tickets dahil may ipinapakita raw itong mga patunay, ID, at selfie photo.

Nakipag-meet up din sa ibang mga biktima ang salarin para magpapirma ng kontrata na nagsasaad na maaari siyang kasuhan sa oras na wala siyang maibigay na tickets.

Ngunit pagsapit ng mismong araw ng kuhaan na ng tickets ay walang maibigay ang inirereklamong seller.

Isa sa mga biktima ng scammer ang artista si Sofia Pablo.

Patuloy na iniimbestigahan ng otoridad ang nasabing panloloko.