Higit 100 barko ng China naispatan sa WPS!

Napag-alaman ng Philippine Navy na nasa 104 barko ng China ang ngayo'y pagala-gala sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Napag-alaman ng Philippine Navy na nasa 104 barko ng China ang ngayo’y pagala-gala sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Commodore Roy Vincent Trinidad, naispatan ang mga barko sa pitong bahagi ng WPS mula Abril 30 hanggang Mayo 6.

Ang ilan sa mga barko ay nakita sa Bajo de Masinloc, habang ang iba ay sa Ayungin Shoal, Pagasa Island, Kota Island, Lawak Island, Panata Island, at Patag Island.

Pinakamarami umano ang barko ng China na gumagala sa Bajo de Masinloc, kung saan tatlong barko ng Chinese Coast Guard, dalawang barko ng People’s Liberation Army Navy, 16 na Chinese maritime militia, at dalawang rigid-hulled inflatable floats ang naispatan.

Gayunman, ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa 129 barko ng China na nakita sa WPS mula Abril 23 hanggang 29.