Higher? P100 sahod, uupuan na sa Kamara

Magsisimula na ang pagtalakay ng House Committee on Labor and Employment sa panukalang magtataas sa minimum wage.

Magsisimula na ang pagtalakay ng House Committee on Labor and Employment sa panukalang magtataas sa minimum wage.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, suportado ng Kamara ang umento sa sahod, na lumusot na sa Senado.

“Suportado naman po natin ang pag-suporta o pag-protekta ng welfare ng ating mga manggagawa. Ang kailangan lang nating siguraduhin is kung ano ang ibinigay natin with our left hand sa mga manggagawa, ayaw naman natin na mawala sa kaliwang kamay through economic effects ang binigay natin sa kaliwang kamay,” wika ni Quimbo.

Aniya, kailangan din pag-aralan kung kailangan na mas mataas pa sa P100 kada araw ang idagdag sa sahod ng mga minimum wage earner.

Paliwanag ni Quimbo, posibleng hindi sasapat ang P100 umento sa sahod sa mga rehiyon tulad ng NCR.

“Iba-iba nga po ang presyo sa bawat region. So baka ‘yong P100 po baka kulang na kulang po dito sa NCR, baka sapat siya sa ibang region baka kulang na kulang dito sa NCR kasi mas mataas po ang presyo ng bilihin dito sa NCR,” ayon kay Quimbo.