High tech na! Mga pulis sa Bicol tinuruan gumamit ng drone

Pursigido ang Bicol Police Regional Office (PRO5) na sumabay sa pag-usbong ng teknolohiya para labanan ang krimen.

Kaya naman nagsagawa ng kapulisan sa Bicol ng seminar para matutunan ang paggamit ng drone.

Ayon kay PRO5 spokesperson PLt. Col. Malu Calubaquib, nasa 32 police personnel ang sinanay para maturuan ng basic sa paggamit ng tactical drone.

Aniya, ang drone ay makatutulong para maiwasan ang ambush laban sa puliysa.

“This initiative will strengthen PRO5’s security operations by providing advanced intelligence on terrain and other important factors prior to deploying police forces, enhancing preemptive measures against possible ambushes,” ayon kay Calubaquib.

15 set ng drone ang binili sa ilalim ng pamamahala ni PRO5 Regional Director Brig. Gen. Andre Dizon.

“With this technological advancement, PRO5 is confident in elevating its services to the public and fulfilling its mandate of preserving peace and security in the region,” saad pa ni Calubaquib.